Connect with us

Average price sa bigas simula nang ipatupad ang price cap, bumaba sa P5/kg – DTI

Average price sa bigas simula nang ipatupad ang price cap, bumaba sa P5/kg – DTI

National News

Average price sa bigas simula nang ipatupad ang price cap, bumaba sa P5/kg – DTI

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na bumababa na ang average price ng bigas sa merkado.

Ayon sa kay DTI Director Fhilip Sawali, nasa P5/kg ang ibinaba ng average price ng regular milled rice (RMR) at well milled rice (WMR) simula nitong Huwebes, ika-21 ng Setyembre.

Ang average price kasi sa bigas bago paman ipatupad ang price cap ay nasa P47/kg ang RMR at P50/kg naman sa WMR.

Sinabi pa ni Sawali, ngayong nasa 3 linggo na matapos ang price cap ay nararamdaman na ang pagbaba sa average price sa bigas.

Dahil dito, posibleng magbibigay na ng rekomendasyon sa susunod na linggo ang DTI at Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., kung napapanahon nang tanggalin ang price ceiling sa bigas.

Ilan aniya sa mga konsiderasyon ay kung bumaba na ba ang presyo ng bigas, compliance rate sa price ceiling, at kung may pumapasok nang mas maraming supply ng bigas.

More in National News

Latest News

To Top