Connect with us

Awol na mga pulis, hindi na dapat makabalik sa serbisyo ayon sa PNP chief

Ipinag-utos ni PNP chief Police General Dionardo Carlos sa Police Regional Office (PRO) 7 na malalimang imbestigahan ang robbery-slay case

National News

Awol na mga pulis, hindi na dapat makabalik sa serbisyo ayon sa PNP chief

HINDI na dapat makabalik sa serbisyo ang sinomang pulis na nag-awol o absent without leave.

Ito ang iginiit ni PNP Chief Oscar Albayalde matapos maaresto sa buy bust operation sa Muntinlupa City si patrolman Leo Valdez na pumasok sa PNP noong 2007.

Nabatid na nag-awol ito noong 2014, ngunit nakabalik din nitong 2017.

Aminado si albayalde na may proseso sa regional appellate board ng National Police Commission (NAPOLCOM) na nagbibigay ng tsansa sa mga awol na pulis na bumalik sa serbisyo.

Sa kabila nito, tiniyak ni Albayalde na matatanggal sa serbisyo ang adik na pulis.

Sinabi ni Albayalde na sa ngayon ay wala pang pulis na tinanggal mula 2016 ang nakabalik sa serbisyo.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top