National News
Awra Briguela, naghain ng counter-affidavit sa 3 kasong kinakaharap
Naghain ng counter-affidavit ang actor-comedian na si Awra Briguela sa Makati City Prosecutors Office.
Ito’y bilang tugon ni Briguela sa 3 kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa kontrobersyal na insidente ng awayan sa isang bar sa Poblacion ng Makati noong Hunyo 29.
Ang 3 reklamong isinampa kay Briguela ay physical injuries, alarm and scandal, direct assault at disobedience to a person in authority.
Pansamantalang nakalaya si Briguela matapos magpiyansa.
Samantala, naghain rin ng counter-charges si Briguela laban kay Christian Ravana at sa kasama nito kabilang na ang paglabag sa Anti-Wiretapping Act, slight physical injuries at paglabag sa Safe Spaces Act.
