National News
Ayuda sa maaapektuhan ng ECQ, aprubado na ni PRRD – Sen. Go
Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pondo para sa financial assistance na ipapamahagi sa bawat indibidwal na maapektuhan ng Enhance Community Quarantine (ECQ ) na ipatutupad simula sa araw ng byernes.
Ito ang naging anunsyo ni Sen. Bong Go ngayong umaga.
Nagkakahalaga ng ₱1,000 kada kwalipikadong indibidwal sa NCR, at ₱4,000 kada household ang ipamamahagi ng pamahalaan.
Ang pondo ay direktang maida-download ng mga LGU sa Metro Manila.
Sa taya ng Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang ahensya, 80% o mahigit ₱10.8 milyong indibidwal ang mabibigyan ng ayuda.
