International News
Babae na umiwas na ma-quarantine dahil sa banta ng COVID-19 sa Russia, sumuko na
Nakabalik na sa quarantine facility ang isang babae matapos tumakas isang araw matapos sumailalim sa quarantine dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Russia.
Matapos ipag-utos ng Russian court ang pwersahang pagpapabalik sa Botkin Hospital sa St. Petersburg kahapon ay agad namang sumuko ang 33 anyos na si Alla Ilyina.

Botkin Hospital, Russia
Photo courtesy: AP
Pebrero 7 nang tumakas sa ospital si Ilyina, isang araw matapos ma-quarantine, kasunod ng pagkakaroon ng sore throat sa kanyang pagbabalik mula sa chinese resort island ng Hainan, China noong Pebrero 1.
Nagawang tumakas ni Ilyina matapos magnegatibo sa coronavirus ng tatlong beses at nang malaman na kailangan niyang sumailalim sa quarantine ng 14 na araw.
Dahil lagpas na rin ito sa 14 day incubation period ng coronavirus sasailalim nalang sa 2 araw na quarantine si Ilyina.
