Connect with us

Babae, nahulog sa riles ng LRT-1

National News

Babae, nahulog sa riles ng LRT-1

Pansamantalang nahinto ang operasyon ng LRT-1 matapos mahulog ang isang babae sa riles ng tren.

Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) Corporate Communications Head Jacqueline Gorospe, alas 6:45 ng umaga nang mahulog mula sa platform ng Doroteo Jose Station ang babae matapos mahilo.

Dagdag pa ni Gorospe, kailangang itigil ang operasyon ng ilang minuto para siguruhin ang lugar at para sa kaligtasan ng babae.

Sa ngayon ay dinala na aniya ang pasahero sa pagamutan at patuloy na sinusuri.

Naibalik naman sa normal ang operasyon ng LRT-1 makalipas ang 24 minuto.

More in National News

Latest News

To Top