Metro News
Babaeng kadete, dinomina ang pagtatapos ng PNPA Layag-Diwa Class of 2024
Isang babae ang nanguna sa pagtatapos ng Layag-Diwa Class 2024 ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp General Mariano N. Castaneda, Silang Cavite.
Si Police Cadet Ma. Camille Cabasis, ay nagtapos bilang cum laude, tubong Lian, Batangas.
Isa sa mga natatangi at mataas na nakuhang parangal ni Cabasis ang presidential Kampilan Award na personal na ipinagkaloob ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Police Cadet Ma. Camille Cabasis topped the 233 na mga kasamahan nito sa kanilang batch, tubong Lian, Batangas.
Naging inspirasyon si Cabasis sa kanyang mga kaklase at mga guro sa akademiya bilang isang working student gaya ng paninilbihan sa isang photocopy center, pagtitinda ng siopao sa paaralan.
Pinatunayan rin nito na ang pagiging isang babae ay hindi hadlang para makamit ang nais sa buhay lalo na sa pagpasok sa PNPA.
Aniya, hindi lamang siya babae, ngunit isang babaeng may magagawa sa lipunan.
