Connect with us

Backbone ng ekonomiya, hindi lang imprastraktura; kaayusan at kapayaan, kinakailangan rin – Pastor Apollo

Binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI na hindi lang imprastraktura ang "backbone" ng ekonomiya ng bansa.

National News

Backbone ng ekonomiya, hindi lang imprastraktura; kaayusan at kapayaan, kinakailangan rin – Pastor Apollo

Binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI na hindi lang imprastraktura ang “backbone” ng ekonomiya ng bansa.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ng butihing pastor na maging ang kapayaan at kaayusan ay isa rin sa “backbone” dito.

“Yung mga economic repulse na sinasabi ng pangulo, pinakamaganda yan. Magagandang lalo yan kung malakas ang ating peace and order Oo, kung may talagang sentrong command sa Armed Forces na ganito tulad ba ng unang pangulo dati na talagang tutok na tutok sa modernization of The AFP nakita na natin. So, wala akoang reklamo doon napaka ganda lahat noon, pero the backbone of justice and the economy hindi lang infrustructure na mga daan, mga airport, mga ganon ganon, hindi lang yun kundi peace and order,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Nilinaw naman ni Pastor Apollo na sa muli, hinding-hindi nya pinapangunahan si PBBM subalit dapat ay maging malakas rin ang paninindigan nito laban sa itinuturing na cancer ng lipunan.

“Hindi ko jina-judge ang Pangulong Marcos sa kanyang SONA napaka ganda ng kanyang mga sinabi lahat lahat naway itoy matupad lahat pero the number 1 there na bantayan natin ay yung peace and order kailangan yun. Ipanalangin natin na lumakas ito’y matutukan din at ma-address ng ating pangulo kahit hindi man lang sa kanyang SONA siguro sa ibang pamamaraan siguro sa kanyang mga executive session, meeting sa mga military commanders or bukod diyan,” dagdag pa ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang honorary chairman ng SMNI.

Hinihikayat naman ni Pastor Apollo ang lahat na tulungan si PBBM na mabangga niya ang kanyang dapat banggain gaya ng insurhensya at droga.

Samantala, umaasa si Pastor Apollo na gaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matatapos rin ang termino ni PBBM na may mataas siya na approval at trust rating.

More in National News

Latest News

To Top