National News
Background investigation sa pagkuha ng gun permit, hihigpitan ng PNP
Mas magiging mahigpit ang Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng background investigation, neuro examination at drug test sa mga kukuha ng gun permit.
Ito ay kasunod ng kaliwa’t kanang pamamaril sa Estado Unidos, kung saan may isang Pinoy ang nasawi sa insidente.
Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, umaasa silang makikipagtulungan ang mga may-ari ng baril upang matiyak na nasa maayos na pag-iisip ang mabibigyan nila ng permit.
Kasabay nito, nanawagan si de Leon sa may paso na ang lisensya ng baril na agad itong i-renew upang hindi maharap sa reklamo.
Una nang tiniyak ng PNP na puspusan ang gagawin nilang kampanya laban sa loose firearms bagama’t tapos na ang election gun ban sa bansa.