Connect with us

Bagong bukas na Malasakit Center na para sa mga OFW’s, ipinagmalaki ng DOH

Ibinida ng Department of Health (DOH) ang inilunsad na 153rd Malasakit Center na nasa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Regional

Bagong bukas na Malasakit Center na para sa mga OFW’s, ipinagmalaki ng DOH

Ibinida ng Department of Health (DOH) ang inilunsad na 153rd Malasakit Center na nasa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga.

May be an image of 14 people and people standing

PHOTO COURTESY: BONG GO

Ipinaliwanag ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na ang bagong  Malasakit Center ay mayroong one-stop-shop facility na tutugon sa mga pangangailangan ng mga pasyenteng overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga dependents sa pamamagitan ng PhilHealth, DSWD, PCSO, at DOH.

Naniniwala si Vergeire na maituturing itong  milestone o malaking pagbabago kaya karapat-dapat na ipagdiwang dahil ito ang kauna-unahang center na tutulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga OFW’s na tinawag niyang mga modern day heroes o mga bagong bayani.

Kasabay nito ay nanawagan si Vergrire na sana ay magpatuloy ang nagkakaisang kilos upang maisakatuparan ang lahat ng pangako na nakapaloob sa Universal Health Care.

More in Regional

Latest News

To Top