Connect with us

Bagong data center ng Comelec sa Makati, ipinasilip sa media

Bagong data center ng Comelec sa Makati, ipinasilip sa media

National News

Bagong data center ng Comelec sa Makati, ipinasilip sa media

Binigyan ng pagkakataon ng Commission on Election (Comelec) ang media na makapasok sa pinakabagong data center nito sa Vitro Data Center na nasa Makati City.

Pero dahil sa higpit ng seguridad, ipinagbawal ang pagdala ng anumang gadget maging ang pagkuha ng anumang larawan o video sa loob mismo ng data center.

Sa naturang pasilidad, maliban sa Comelec ay mga nauna ng malalaking kumpanya na ipinagkatiwala sa Vitro ang kanilang mga servers.

State of the art ang data center.

Bago makapasok sa pasilidad kung nasaan ang servers ay may papasukan munang tatlong pinto na high level ang security features.

May mga servers sa loob na may iba’t ibang layer ng protection.

May mga servers na naka-cage at may CCTV cameras na nakatutuk mismo sa servers.

May lock-in features ang bawat servers na ang mga kliyente lang ng Vitro ang nakakaalam ng kanilang passcode.

Ang data center ng Comelec sa loob ng Vitro ay mayroon ding de-kalibre na generator set sakaling magkakaroon ng power interruption.

Ayon sa Comelec, kuntento sila sa seguridad ng data center.

Inikot din mismo ni Comelec Chairman Atty. Garcia at ng mga Comelec commissioner maging ng businessman na si Manny Pangilinan ang data center na nasa ilalim ng pamamahala ng e-PLDT.

More in National News

Latest News

To Top