Connect with us

Bagong entablado para sa SMNI The Deep Probe Presidential Interview, world class

Bagong entablado para sa SMNI The Deep Probe Presidential Interview, world class

National News

Bagong entablado para sa SMNI The Deep Probe Presidential Interview, world class

Sa huling pagharap ng ilang presidential aspirants sa The Deep Probe ng SMNI Presidential Candidates Interview, makikita ang pinaganda at detalyadong preparasyon ng bagong entablado para sa mga kandidato

Hindi katulad ng mga naunang presidential at senatorial debate stage, mas malapit ngayon sa panelists ang mga kandidato na sasagot at makikipagtalastasan sa mga katanungan ng mga panel experts na bihasa sa kani-kanilang larangan

Mamikita dito ang pagsasama-sama sa iisang entablado ng mga panelists at presidential interviewee.

Mula sa foreign policies, geopolitics, legislative matters at general knowledge, dito susubukin ang lalim at lawak ng pang-unawa ng susunod na pangulo ng bansa sa kanilang pagharap sa mga isyu, suliranin at mga solusyon sa mga hinaing at tunay na problema ng taumbayan.

Ilang metro lang ang layo sa mga panelists, sa upuan na ito, masusukat ang talino, tapang at puso ng inyong presidential aspirant. Sa upuan ding ito malalaman kung karapat-dapat ba siya sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

Sa huling pagkakataon, muling haharap ang mga kandidato sa mga pinakapipitagang SMNI panel, kabilang sina UP Professor, Political Scientist at Foreign Policy Expert Professor Clarita Carlos, dating congressman at kasalukuyang Abogado, Atty. Rolex Suplico, Manila Times CEO. Mr. Dante Ang at international educator at SMNI anchor Miss Sass Rogando-Sassot.

Nauna nang binanggit ni Professor Carlos na walang dapat na ipangamba ang mga kandidato dahil ilalahad lang ng mga ito ang kanilang plataporma ngunit sa mas detalyado at propesyunal na paraan.

Una nang sinabi ng honorary chairman ng SMNI, na si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy na sa pamamagitan ng The Deep Probe magkakaalaman na sa mga kumakandidato kung sino sa kanila ang may kakayahan, kaalaman at may karapatang tumanggap ng boto mula sa matatalinong botanteng Pilipino.

Kaya naman bukod sa entablado, naiiba rin ang format ng presidential interviews na ito kung saan nakasentro sa mga ipinapangako ng mga kumakandidato para sa mga Pilipino.

 

More in National News

Latest News

To Top