Connect with us

Bagong halal na SK leaders, gagabayan ng NYC tungo sa nation building

Bagong halal na SK leaders, gagabayan ng NYC tungo sa nation building

Regional

Bagong halal na SK leaders, gagabayan ng NYC tungo sa nation building

Opisyal nang nagsimula ang pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataang lider sa Baguio City.

Higit 1-K kabataan ang nakiisa sa 3 araw na National Youth Convention na kinabibilangan ng mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa ibat-ibang rehiyon at mga kadete ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) mula sa iba’t ibang state universities and colleges at learning institutions.

Ayon kay National Youth Commission (NYC) Chairperson Usec. Ronald Cardema, sasailalim ang mga delegado sa ibat-ibang seminars na magsisilbing gabay sa kanilang tungkulin bilang SK leader.

Paliwanag ni Cardema, na sila ay huhubugin na makakagawa ng mga proyekto at programa na nakatuon sa nation building.

Para kay Cardema, dapat bigyang prayoridad ng SK ay ang disaster preparedness, barangay clean-up tulad ng anti-vandalism, pagsugpo sa iligal na droga, at ang laban kontra illegal recruitment ng mga komunistang teroristang grupo.

Katuwang ang mga SK leaders, maglulunsad din ng isang national nation-building program kada buwan.

Halimbawa ayon kay Cardema ay ang National Coastal Clean-up kada Enero at National Anti-Vandalism Campaign kada Pebrero.

Sisiguruhin naman aniya ng NYC na mahigpit nilang susubaybayan ang mga gawain ng SK sa buong bansa.

Katuwang ng NYC ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), Department of Health (DOH), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Dangerous Drugs Board, at iba pang ahensya ng gobyerno sa paghubog sa mga kabataan sa ika-5 National Youth Convention.

More in Regional

Latest News

To Top