Connect with us

Bagong iconic bridge sa Loay, Bohol, bukas na sa mga motorista  

Bagong iconic bridge sa Loay, Bohol, bukas na sa mga motorista  

Regional

Bagong iconic bridge sa Loay, Bohol, bukas na sa mga motorista  

Pormal nang binuksan ang bagong tayong iconic bridge sa bayan ng Loay, Bohol nitong Martes, Hunyo 21.

Ito ang iniulat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary at Build Build Build Program Chief Implementer Emil Sadain.

Ani Sadain, 104 meters ang saklaw ng bagong clarin bridge sa bahagi ng Loboc River na may Nielsen Arch Superstructure na disenyo.

Nagkakahalaga ng higit P500 milyon ang Clarin Bridge na bahagi ng Bohol Circumferential Road Project.

Malaking tulong ang nasabing tulay sa pag-transport ng mga kalakal at pagbibiyahe ng mga residente kung saan nagbibigay ito ng ‘greater access’ sa tourism sites ng Bohol Province.  

Inihayag ni Undersecretary Sadain na ang bagong tulay na ito ay panibagong hibla ng pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ang ceremonial groundbreaking ng bridge project ay pinangunahan ni DPWH Acting Secretary Roger Mercado Kasama si Sadain, opisyal ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Consulate General of Japan at ilang local officials.

May be an image of 6 people and people standing

COURTESY: DPWH

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top