Connect with us

Bagong kalihim ng DepEd, ibabahagi ni PBBM bago mag Hulyo

Bagong kalihim ng DepEd, ibabahagi ni PBBM bago mag Hulyo

National News

Bagong kalihim ng DepEd, ibabahagi ni PBBM bago mag Hulyo

Ibabahagi na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Kasunod ito sa pagbitiw sa pwesto ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PBBM, hindi dapat maiwan ang DepEd na walang mamumuno dahil isa rin ito sa importanteng ahensya ng pamahalaan.

Nitong June 19 nang magbitiw si VP Sara bilang kalihim ng DepEd at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang resignation ay epektibo sa July 19, 2024.

Kaugnay nito ay may mga bali-balita na sina Sen. Sonny Angara, Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo at Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual ang sinasabing ikinokonsidera para umupo bilang DepEd Secretary.

More in National News

Latest News

To Top