Metro News
Bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Marikina City
Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Marikina City ang pinakaunang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, isang 86-anyos na senior citizen galing South Korea ang nagpositibo sa COVID-19 na naninirahan sa kanilang lungsod.
Nilinaw naman ng alkalde na kabilang ito sa 4 na panibagong kaso ng COVID-19 nagpositibo sa bansa.
Sa ngayon, kanselado na ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Marikina City simula ngayong araw na tatagal hanggang sa araw ng Miyerkules, Marso 11.