National News
Bagong ‘palusot’ ng ABS-CBN para makakuha ng prangkisa, ibinulgar ni Marcoleta
Binuko ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang tinawag niyang bagong ‘palusot’ ng ABS-CBN para makakuha ng prangkisa.
Sa ekslusibong panayam ng Sonshine Radio, inilahad ni Marcoleta ang nadiskubre niyang bagong ‘palusot ng ABS-CBN para mag short-cut sa batas at makakuha ng bagong prangkisa.
Diin niya, idadaan umano ito ng ABS-CBN sa isang broadcast franchise ng isang paaralan sa Baler.
Diin ni Marcoleta, dapat itong bantayan ng National Telecommunications Commission (NTC) na hindi ito makalusot.
