Connect with us

Bagong pinuno ng VISCOM, ipinakilala ng AFP

Bagong pinuno ng VISCOM, ipinakilala ng AFP

Regional

Bagong pinuno ng VISCOM, ipinakilala ng AFP

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. si Lt/Gen. Fernando Reyeg bilang bagong commander ng Visayas Command (VISCOM).

Sa isinagawang joint turnover at donning of ranks ceremony, opisyal nang naupo sa posisyon si Lt/Gen Reyeg.

Kasabay ng seremonya kinilala ni General Brawner ang naging dedikasyon sa serbisyo ni outgoing Acting Commander Commo Canlas Jr.

Si Reyeg ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Sambisig Class of 1991 at nagserbisyo din ito bilang Deputy Chief of Staff for Operations ng J3.

Maliban dito nagsilbi rin ito sa ibat-ibang command at staff positions tulad ng Assistant Deputy Chief of Staff for Education, Training and Doctrine ng J8, Joint Task Force Basilan at maraming iba pa.

More in Regional

Latest News

To Top