Regional
Bagsak presyo ng mga gulay sa Benguet at Nueva Vizcaya, ikinababahala ng mga magsasaka
Nababahala na ang mga magsasaka sa patuloy na pagbaba ng presyo ng gulay sa Buguias Benguet na pangunahing pinagkukunan ng gulay sa probinsya.
Dahil sa sobrang suplay ng gulay, napipilitan ang mga magsasaka na ibenta na lamang sa mababang presyo ang kanilang mga ani.
Batay sa presyo ng bentahan ng repolyo sa probinsya, bumaba ito sa P7.00 kada kilo mula sa inaasahang P20.00 hanggang P40.00 per kilo.
Napilitan ang mga magsasaka na anihin at ibenta ang gulay kaysa mabulok ang mga ito.
