National News
Bahay ni Pang. Duterte sa Davao City, nagkabitak dahil sa lindol
Ligtas si Pang. Rodrigo Duterte matapos ang malakas na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao kaninang umaga.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa Davao City ang pangulo nang maganap ang Magnitude 6.5 na lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato.
Sinabi naman ni Sen. Bong Go na hindi rin nakaligtas ang bahay ng Pangulo sa Davao City matapos ang lindol kung saan nakitaan ito ng bitak.
Courtesy: Sen. Bong Go
Courtesy: Sen. Bong Go
Dagdag pa ni Go na maging ang kanyang bahay ay may mga bitak din nakita.
Pero paglilinaw ng Senador na walang dapat ikabahala sa kondisyon ng Pangulo at mas isipin ang kalagayan ng ating mga kababayan.
“Sa awa ng Diyos, kami ay nasa maayos naman po na kalagayan ang ating mahal na Pangulo. Kanina medyo nabahala po kami dahil medyo malakas yung lindol. Nasa CR nga ang pangulo kanina nang lumilindol. Safe naman po kami ng pangulo. Nag-crack lang po yung kaniyang bahay. Ako naman po yung tinitirahan ko may part na may crack din po. Ang importante po sa amin ay walang kababayan ang nasaktan. Yun lang po ang inuuna namin sa isipan namin parati, ang kababayan natin,” ang pahayag ni Sen. Go sa panayam ng Sonshine Radio.
Jao Gregorio