International News
Bakuna kontra sa novel coronavirus, inihahanda na ng Amerika
Binubuo na ng Estados Unidos ang bakuna kontra sa 2019 novel coronavirus.
Ayon sa National Institutes of Health (NIH), nakahanda ang Amerika na magpadala ng team sa Wuhan City upang kumuha ng mga datos at aralin ang naturang sakit.
Tinatayang aabutin ng tatlong buwan ang pagbuo ng NIH ng bakuna bago masimulan ang unang trial nito.
Samantala, bumubuo din ng bakuna kontra sa nasabing sakit ang kumpanya ng Johnson & Johnson gamit ang teknolohiyang ginamit nito sa paggawa ng bakuna kontra Ebola virus noon.