National News
Balak na extraordinary rendition ng US vs. Pastor ACQ, halata na
Araw-araw ang paglipad ng mga bagong air assets sa Davao City partikular na sa KOJC religious compound.
Ang tinutukoy na mga air asset ay hindi mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Halimbawa na dito ang isang Boeing Chinook helicopter na karaniwang ginagamit ng US military.
Ayon sa international relations scholar na si Jun Avelino, ang presensya ng US assets sa Davao ay nagpapatotoo na hindi nagbibiro si Pastor Apollo C. Quiboloy sa sinabi nitong banta ng US government laban sa kaniya.
Matatandaang sinabi noon ni Pastor Apollo, extraordinary rendition ang gagawin sa kaniya ng mga Amerikano.
Ligal para sa US government ang extraordinary rendition o pagdukot sa kanilang pinaghihinalaang personalidad para dalhin sa kanilang black sites.
Dadaan ang mga subject ng extraordinary rendition sa matinding torture na kalaunan ay papatayin.
“Let us be straight in this: the footprints- I mean the blueprints of US involvement in all these activities are everywhere. We can only suspect that the head of Pastor Quiboloy must be part of the trade-offs between our government and the US government,” ani Avelino.
Oras na ito’y matagpuan ng mga pulis, sinabi ng international relations scholar na nakahanda na ang mga chopper ng Amerika para isakay si Pastor Apollo at maisagawa na ang extraordinary rendition. “And you can see the kind of equipment that they are using in locating the good pastor and also the bounty that is being placed on his head being just an accused of committing a crime.
It’s really troubling and you know, this government is really heavily indebted to the US government.”
Ang mga arrest warrant ng korte, Senado at pagpapatawag ng Kamara ay may layon rin na lumitaw ang butihing pastor at kung mangyari, isasagawa agad ng CIA (Central Intelligence Agency) at FBI (Federal Bureau of Investigation) ang maitim na plano nila laban sa spiritual leader ng KOJC.
Dahil dito, sinabi ni Avelino, “…and by all means, Marcos will do everything to please Uncle Sam and it’s sad that we are now going back to the era where the country is subservient to the foreign dictates and it’s not really good.”