Connect with us

Balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, muling ipatupad sa ika-5 pagkakataon

Balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, muling ipatupad sa ika-5 pagkakataon

National News

Balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, muling ipatupad sa ika-5 pagkakataon

Sa ilalim ng pamumuno ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Francisco Marbil muling nagpatupad ng balasahan ang PNP sa 6 nitong matataas na opisyal sa ika-5 pagkakataon.

Sa inilabas na general orders epektibo kahapon Mayo 14, inilipat sa Directorate for Personnel and Records Management si PBGen. Kirby John Kraft mula sa Police Regional Office (PRO) 13.

Papalitan si Kraft ni PBGen. Alan Nazaro mula sa Highway Patrol Group (HPG) at papalitan naman ito ni PBGen. Jay Cumigad mula sa Directorate for Plans habang Ililipat naman sa Directorate for Comptrollership si PCol. Rudencido Reales mula sa PRO 3 o Central Luzon.

Habang magpapalit lamang ng puwesto sina PCol. Bernardo Perez mula sa Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM) at PCol. Edwin Quilates mula naman sa PNP training service.

Paliwanang ng PNP, ang balasahan ay dahil sa pagreretiro ng ilang mga matataas na opisyal sa kanilang hanay.

More in National News

Latest News

To Top