National News
Balasahan sa MWSS, dapat ipatupad ayon sa isang senador
Dapat magkaroon ng balasahan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ito ang inirekomenda ni Senadora Grace Poe, dahil naniniwala siyang dapat palitan ang mga opisyal ng MWSS.
Sinabi ng mambabatas na kailangang magkaroon ng mga eksperto gaya ng mas maraming engineers at professional ang MWSS na makauunawa sa sitwasyon at imprastraktura ng tubig sa bansa.
Dagdag nito, nagkulang, hindi naunawaan at nakita ng MWSS ang problema dahil hindi nila napag-aralan ang water supply sa Metro Manila sa kabila ng babala ng East Zone Water Concessionaire simula noong nakaraang taon kaugnay nito.
DZARNews
![](https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/logo-radio-1.jpg)