Connect with us

Balik-eskwela ng mga bata, hindi kailangang ipagpaliban dahil sa monkeypox

Balik-eskwela ng mga bata, hindi kailangang ipagpaliban dahil sa monkeypox

National News

Balik-eskwela ng mga bata, hindi kailangang ipagpaliban dahil sa monkeypox

Mariing nanindigan ang Department of Health (DOH) na na magiging ligtas ang pagbabalik eskwela ng mga bata sa Aug 22, 2022 kahit pa nakapasok na sa bansa ang monkeypox.

Sa ngayon sa huling ulat ng DOH, mayroon pa lamang isang kaso ng monkeypox sa bansa at ang mga closed contact nito ay hindi naman nakikitaan ng mga sintomas ng sakit.

Ang importante aniya dito ay mapaigting ang screening sa bawat paaralan para sa mga papasok na guro at mga mag-aaral.

Ito aniya ay pagtutulungan ng ahensya kasama ang Departement of Education (DepEd).

Matatandaan naman na una ng sinabi ni DepEd spokesperson na dedepende sila sa magiging guidelines ng DOH hinggil sa pagbubukas ng klase sa darating na mga linggo.

Sa Palace Briefing, sinabi ng DepEd na mayroon nang 13.1 million na nakapag-enroll para sa pasukan.

Sa naturang bilang, mahigit 6 milyon ang mula sa elementarya, mahigit 4 milyon naman sa junior highschool, mahigit 1 milyon naman sa senior high at aabot naman sa 900,000 ang nagpa-enroll sa kindergarten.

 

More in National News

Latest News

To Top