Connect with us

Balikatan Exercise 2024, umarangkada na

Balikatan Exercise 2024, umarangkada na

National News

Balikatan Exercise 2024, umarangkada na

Pormal nang binuksan ngayong araw, ika-22 ng Abril, ang itinuturing na pinakamalaking Balikatan exercises para sa taong ito.

Isinagawa ang opening cermony sa Kampo Aguinaldo ganap na alas-10 ngayong umaga na pinangunahan nila Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. at U.S. Marine Corps Forces, Pacific Commander, Lt. Gen. William Jurney.

Ayon sa AFP, aabot sa 16,700 mga sundalo at iba pang uniformed personnel ang lalahok dito kung saan, nasa 11-K rito ay mula sa Estados Unidos habang nasa 5-K naman ang mula sa AFP.

6 na barko ng Coast Guard ang lalahok kabilang na ang 44-meter multi-role response boats at 2 malalaking patrol vessel nito.

Maliban diyan, sasali rin sa naturang pagsasanay ang nasa 150 sundalo mula sa Australian Defense Force gayundin ang French Navy sa kauna-unahan ding pagkakataon.

Una nang sinabi ni Balikatan Executive Agent, Col. Michael Logico, na magsisilbi ring observer ang nasa 14 na bansa kasama na ang Japan gayundin ang iba pang mga bansang kasapi ng ASEAN.

More in National News

Latest News

To Top