Connect with us

Balita na umano’y may grupong sinasamantala ang COVID-19 outbreak para magnakaw, peke – NCRPO

Balita na umano'y may grupong sinasamantala ang COVID-19 outbreak para magnakaw, peke - NCRPO

Metro News

Balita na umano’y may grupong sinasamantala ang COVID-19 outbreak para magnakaw, peke – NCRPO

Isang fake news ang kumakalat ngayon sa pamamagitan ng text at social media hinggil sa grupo na sinasamantala ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak para magnakaw.

Ito ang inihayg ni Metro Manila Police Chief PMGen. Debold Sinas kasunod ng pagkalat ng balita na diumano’y marami na ang nanakawan ang isang grupo na nagpapakilalang itinalaga para maglinis o magsanitize ng mga bahay sa gitna na rin ng COVID-19 outbreak.

Sa pahayag ni Sinas, ginarantiya nito sa publiko na wala pang looting o pagnanakaw na naireport sa kanila sa National Capital Region.

Kaugnay nito ay tiniyak din ng opisyal na may sapat silang tauhan na nakatalaga para magpatupad ng seguridad laban sa mga kriminal sa buong Metro Manila sa gitna ng banta ng COVID-19.

Sa kabila nito, hinihimok ni Sinas ang publiko na manatiling nakaalerto at laging makipagugnayan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa panahon ng pangangailangan.

More in Metro News

Latest News

To Top