National News
Ballot printing para sa 2025 elections, magsisimula sa Disyembre
Lumagda na ng isang kasunduan ang Commission on Elections (Comelec), National Printing Office (NPO) at Miru Systems Co. Ltd para sa 73M ballots na gagamitin para sa 2025 midterm elections.
Batay sa agreement, gagamitin ng NPO ang bagong machines mula sa Miru para sa printing.
Magsisimula naman sa ikalawang linggo ng Disyembre ang printing ng 73M ballots.
Nasa P1.6B ang inilaan na pondo para dito.