National News
Bansa, kailangan mag-import ng 200-K MT ng asukal – UNIFED
Nangangailangang mag-angkat ng bansa ng nasa 200-K metric tons ng asukal.
Ayon sa United Sugar Producers Federation (UNIFED), itoy para maiwasan ang kakulangan ng suplay lalo na’t ang mga sugarcane plantation sa negros ay apektado ng El Niño.
Hindi na anila kailangan rin na lumagpas ng 200-K metric tons para sakaling magsisimula na ang milling season ay mapoprotektahan ang mill gate price ng mga magsasaka.
Kasabay nito ay hinikayat ng UNIFED na magkaroon na ng cloud seeding operations sa mga sugarcane plantation sa negros.