National News
Bantag at Zulueta, itinuturing nang pugante
Itinuturing nang pugante ng Philippine National Police (PNP) sina dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at ang deputy officer nito na si .
Ito ay matapos silang isyuhan ng warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC) ng Las Piñas at Muntinlupa kaugnay sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Redrico Maranan, hindi pa naisisilbi ang warrant of arrest dahil hindi pa natatagpuan ang dalawa.
Nauna namang inilunsad ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang manhunt operation laban kina Bantag at Zulueta.
Nabatid na sina Bantag at Zulueta ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at sa testigong inmate na si Jun Villamor.
Tiniyak naman ng CIDG na gagawin nila ang manhunt operation upang manaig ang hustisya alinsunod sa marching orders ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.