Connect with us

Bantag, nanindigan na hindi nagpahukay ng lupa para magtreasure hunting

Bantag, nanindigan na hindi nagpahukay ng lupa para magtreasure hunting

National News

Bantag, nanindigan na hindi nagpahukay ng lupa para magtreasure hunting

Nilinaw ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na hindi ito nagpahukay ng lupa sa labas nang prison facility para sa yamashita treasure.

Giit nito sa mensahe na pinadala niya sa SMNI News, ang plano niya sa hukay ay para makapagpagawa ng malalim na swimming pool para sa scuba diving.

Aniya ang hukay ay ginawa sa Directors Quarter na malapit sa sira at lumang swimming pool at hindi naman sa loob ng Bilibid.

“Ako nagpahukay for the purpose of making a deep scuba diving pool yon outside the prison facilities probably more than a kilometer away. It is located at the director’s quarters near the dilapidated old swimming pool,” ani Bantag.

Matatandaan na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nagsiwalat na yamashita treasure ang motibo ng paghuhukay ni Bantag.

Ayon kay Remulla, si Bantag mismo ang nagsabi nito sa kaniya at ayon sa kalihim, agad niya itong pinagsabihan na itigil ang paghuhukay at paghahanap sa Yamashita Treasure dahil isa umano itong kalokohan.

Sinabi ni Remulla na nasa 1.2 M cubic meters ng lupa ang natanggal sa excavation site.

Samantala ngayong araw ay uusad na ang priliminary investigation laban sa murder complaints na inihain laban kay Bantag at sa iba pang respondrnts sa Percy Lapid at Jun Villamor slay.

Ayon naman kay Bantag, hindi siya dadalo ng preliminary investigation gaya ng payo ng kaniyang mga abogado.

“Pupunta sana ako. Kaso advice ng lawyers na ‘wag na daw at pwede naman na mga lawyers na lang ang pumunta. Basta advice ng lawyers ‘di ako pupunta,” saad pa ng suspended BuCor chief.

 

 

More in National News

Latest News

To Top