National News
Banyagang tagamasid sa eleksyon, hindi pumasok sa polling precincts — Comelec
Hindi pinapayagan ang mga banyagang tagamasid na pumasok sa polling precincts sa araw ng halalan ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, tinanggihan ng Comelec ang kahilingan ng mga banyagang tagamasid mula sa European Union na makapasok sa polling precincts dahil ito ay isang paglabag sa batas ng Pilipinas.
Binigyang-diin ni Garcia na ang kapangyarihang ibinigay ng Comelec sa EU upang obserbahan ang halalan ay mayroong limitasyon batay sa mga alintuntunin ng batas.
Ito ang unang pagkakataon na nagpadala ang EU ng mga delegado upang obserbahan ang darating na halalan sa bansa.
Mananatili sila sa Pilipinas hanggang Hunyo.
