Connect with us

Barangay checkpoints sa national at provincial roads, pinaaalis ng PNP

Barangay checkpoints sa national at provincial roads, pinaaalis ng PNP

National News

Barangay checkpoints sa national at provincial roads, pinaaalis ng PNP

Pinababaklas ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng checkpoints ng barangay sa national at provincial roads.

Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ni Interior Secretary Eduardo Año upang magkaroon lamang ng iisang guidelines sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, sa ganitong paraan ay maiiwasan ang kalituhan dahil sa magkakaibang guidelines ng Local Governmanent Unit (LGU) at barangay.

Una nang iniulat na ilang lugar sa Laguna ang hinaharang ang truck na may dalang pagkain para sana sa Metro Manila.

Iginiit ng PNP na sa interiors road lamang maaaring maglagay ng checkpoints ang barangay ngunit kailangan pa rin ito ipaalam sa lokal na pulisya na nakakasakop dito.

More in National News

Latest News

To Top