Metro News
Barangay kagawad at kanyang kasabwat, huli sa drug operation sa Laguna
Arestado ang 1 Barangay kagawad at kanyang kasabwat matapos ang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Lumban, Laguna.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang mga nahuli na sina Dhalyn Mercado, barangay kagawad ng Barangay Maracta sa Lumban, Laguna at Walter Yasoña.
Si Mercado na itinuring bilang high-value individual ay nahuli sa aktong gumagamit ng hinihinalang shabu sa drug-bust operation.
Nauna nang itinuro si Mercado na pinagmumulan ng iligal na droga ng 2 naarestong suspek ng pulisya.
Nakuha naman sa operasyon ang 7 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
Kakasuhan sina Mercado at Yasoña ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
