COVID-19 UPDATES
Baretto sisters, magpapatayo ng quarantine facility
Published on
Nakalikom ng P651,000 sa kanilang ginawang fundraising na “Para May Bukas” ang celebrity siblings na sina Julia, Dani at Claudia Barretto.
Ang fundraising campaign na ito ng Baretto sisters ay naglalayong magtayo ng emergency quarantine facility upang matulungan ang mga medical frontliners na nakikipaglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi pa ni Julia na ang itatayong emergency quarantine facility ay para mabawasan ang pasanin ng overcrowding sa mga ospital dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pasyente sa bansa dahil sa COVID-19.
Inihayag ni Julia Barreto ang magandang balita sa kanyang Instagram account at pinasalamatan niya ang lahat na sumuporta sa kanilang fundraising.
View this post on InstagramA post shared by Julia (@juliabarretto) on
Continue Reading
Related Topics:Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), julia baretto
