Connect with us

BarKaDa Day, nakatakdang ilunsad ng DILG

BarKaDa Day, nakatakdang ilunsad ng DILG

National News

BarKaDa Day, nakatakdang ilunsad ng DILG

Sa ilalim ng isinusulong na bayanihan sa mga Pilipino, hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mahigit 42K na barangay sa bansa na makiisa sa “Barangay at Kalinisan Day” (BarKaDa) ngayong darating na Sabado, ika-16 ng Setyembre 2023.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, layon nitong ipalaganap ang kalinisan sa mga pamayanan para sa mas maayos at ligtas na kapaligiran.

Bukod sa kalinisan sa kapaligiran, inaasahan na makatutulong ito sa para makaiwas ang publiko sa iba’t ibang uri ng sakit dahil sa maruming paligid.

Ang kalahok dito ay sabay sabay na.magsagawa ng coastal clean-up, dredging sa mga kanal, pagpuputol ng mga nakahambalang sanga ng kahoy,  paglilinis sa mga kalye at parke sa buong bansa.

Sa NCR gaganapin ang BarKaDa activities sa 29 esteros at creeks sa mga Lungsod ng Manila, Quezon, Caloocan, Pasig, Las Piñas, Mandaluyong, San Juan, at Pasay.

 

 

More in National News

Latest News

To Top