National News
Barko ng Spain, nasa Bansa para sa isang goodwill visit
Published on
NASA bansa ang barko ng Spain para sa tatlong araw na goodwill visit.
Dumaong ang Spanish Navy Frigate Méndez Núñez (F-104) sa South Harbor, Pier 15 sa Maynila.
Ito ang unang pagkakataon na muling makalayag ang isang Spanish Navy Ship sa karagatang sakop ng Cavite at Maynila, mula nang mangyari ang “1898 Battle of Manila Bay” o panahon ng Spanish–American War.
Sinalubong ang mga opisyal at tripulante ng visiting vessel ng Philippine Navy.
Ang pangunahing dahilan ng pagbisita ng nasabing barko sa Bansa ay para dumalo sa commemoration ng Ferdinand Magellan’S first circumnavigation of the globe.
DZAR1026
Continue Reading
Related Topics:"1898 Battle of Manila Bay", Cavite, Ferdinand Magellan’S first circumnavigation of the globe., Maynila, Philippine Navy, Pier 15, South Harbor, Spain, Spanish Navy Frigate Méndez Núñez (F-104), Spanish Navy Ship, Spanish–American War.