Connect with us

BARMM, hakbang tungo sa pederalismo-Esperon

barmm

National News

BARMM, hakbang tungo sa pederalismo-Esperon

Naniniwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na ang Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM) ay isang hakbang tungo sa pederalismo.

Ito ang sagot ni Esperon sa panawagan ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari para sa pederalismo.

Binigyang-diin pa nito na ang pederalismo ay isang national program.

Nilinaw din ni Esperon na hindi tutol si Misuari sa bagong BARMM dahil ang nais ng MNLF Chairman ay maging autonomous region ang Mindanao sa ilalim ng pederalismo.

Nakatakda pa aniyang magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Misuari  sa susunod na buwan para pag-usapan ang mga bagay na makatutulong sa BARMM.

 

DZARNews

 

More in National News

Latest News

To Top