Metro News
Basura at water hyacinth na nakolekta ng MMDA sa Ilog Pasig sa unang 5 buwan ng taon, umabot sa 53 tonelada
Aabot sa 151 cubic meter o’ katumbas ng 53 tonelada ng water hyacinth at ibat-ibang uri ng basura ang nakuha ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Ilog Pasig mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
2 trash skimmer ang ginagamit ng MMDA para sa mabilis na pangongolekta.
Ayon sa MMDA, regular ang ginagawa nilang paglilinis sa ilog upang mapanatiling tuloy-tuloy at maayos ang operasyon ng Pasig River Ferry Service.
Sa kasalukuyan ang Ferry Service ay nagsisilbing alternatibong transportasyon ng mga pasahero araw-araw.
Matatandaang inilunsad ng pamahalaan ang programang ‘Pasig Bigyang Buhay Muli’ kung saan gagawin itong malinis, ligtas at kapakipakinabang para sa transportasyon, recreation at turismo.
