Connect with us

Bata galing China, nagpositibo sa coronavirus sa Cebu

Health

Bata galing China, nagpositibo sa coronavirus sa Cebu

Isinasalilalim sa pagsusuri ang 5 taong gulang na lalaki na na-confine sa isang hospital sa Cebu City.

Ito ay matapos makaranas ito ng lagnat, pananakit ng lalamunan at ubo nang dumating ito ng Pilipinas galing Wuhan, China

Dumating ang bata sa Cebu nito lamang Enero 12 ng alas-3 ng hapon at naidala ito sa ospital ng alas 6 ng gabi sa parehong araw.

Sa isang press conference, kinumpirma ni Health Secretary na ang batang pasyente ay nag positibo sa  non-specific coronavirus  gayunpaman ang specimen ay naipadala na sa Australia para alamin kung anong uri ng coronavirus ang tumama sa bata.

Una nang nasuri ang samples ng pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM ngunit nag negatibo naman ito sa Middle East Respiratory Syndrome -Related Corona Virus o MERS-COV at Severe Acute Respiratory Syndrome Related Coronavirus o SARS-COV.

Bukod sa bata ay patuloy pa rin na minomonitor ng DOH ang 3 indibidwal na pawang mga chinese na parehong nakaranas din ng lagnat nang dumating ang mga ito sa Kalibo International Airport galing China.

Sinasabi na ang 3 pasyente ay walang history na nagbiyahe sila sa Wuhan, China  at wala din silang kilala na nakipagkontak ang mga ito sa  nagpositibo sa 2019 Novel Corona Virus.

Ngunit ang  throat samples ng mga pasyente ng 3 ay naipadala na rin sa RITM para sa mas malalim pang pagsusuri.

Ang coronavirus ang ang itinuturing na pinakamalaking pamilya ng mga virus na nakahanay mula sa pangkaraniwang ubo at sipon na nauuwi sa mga inpeksyon gaya ng MERS COV at SARS-COV.

Karaniwan din sa mga sintomas ng coronavirus ay ang respiratory symptoms, lagnat ,ubo,at mahirap na paghinga sa malubhang kaso maari itong mag sanhi ng pneumonia ,acute respiratory syndrome, kidney failure at maari ding mauwi sa  kamatayan.

Dahil dito muling nananawagan ang DOH sa publiko na ugaliing ang palaging maghugas ng kamay, iwasan ang makipag kontak sa mga unprotected wild animals o sa mga may farm,ugaliin ang tamang etiquette ng pag uubo at dumistansya kung kinakailangan umubo at humatsing ganun din iwasan ang mga taong nagpapakita ng may mga sintomas ng lagnat at trangkaso.

Sa kabila nito ang Bureau of Quarantine ay pinaiigting na rin ang koordinasyon sa airlines at airport authorities para sa mahigpit na  pagmomonitor ng mga dumarating na pasahero sa paliparan.

More in Health

Latest News

To Top