National News
Batanes, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol
Niyaning ng magnitude 6.2 na lindol ang Basco, Batanes kaninang alas-12:44 ng umaga ng Sabado, Abril 11.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay sa layong 37 kilometro hilagang-silangang bahagi ng Basco habang may lalim naman na 157 kilometro ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang mga Intensity IV sa Basco at Itbayat sa Batanes; Intensity III sa Tuguegarao City sa Cagayan at sa Luna sa Apayao.
Wala namang naiulat na pinsala pero inaasahan ang aftershocks.