National News
Batangas at Cavite, pinaghahanda sa pagsabog ng bulkang Taal
Ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lokal na pamahalaan ng Batangas at Cavite na maghanda kaugnay sa pag-aalboroto ng bulkang Taal.
Ito’y dahil nakailang phreatomagmatic eruptions na ang naturang bulkan sa nakalipas na linggo.
Sa sinabi pa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), maaaring itaaas sa alert level 2 ang bulkang Taal kung mas magiging madalas pa ang phreatomagmatic activities nito.
Samantala, sa 12 AM October 6 bulletin ng PHIVOLCS, nagkaroon ng anim na minor phreatic eruptions ang bulkang Taal na nagtatagal ng isa hanggang tatlong minuto.
Nagkaroon rin ito ng isang phreatomagmatic eruption na nagtagal ng isang minuto, siyam na volcanic earthquakes, at dalawang volcanic tremor na nagtatagal ng hanggang anim na minuto.