National News
Batangas Province, isinailalim na sa State of Calamity kasunod ng pagsabog ng Taal Volcano
Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Batangas.
Ito ay idineklara ng provincial government ng Batangas kasunod ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.
Sa ngayon ay nakataas sa Alert Level 4 ang status ng Bulkang Taal matapos ang phreatic eruption nito simula pa kahapon.
Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang paglilikas sa mga residenteng nakatira sa malapit sa bulkan.
Glenda Ramos
