Regional
Batangas shabu, hindi maituturing na pinakamalaking huli sa kasaysayan ng bansa
Binawi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naunang pahayag na pinakamalaking drug haul ang nahuling droga sa Batangas nitong Lunes, ika-15 ng Abril.
Sa pagharap nito sa media sa Kampo Krame, maituturing na lamang na isa sa malaking operasyon ito ng Philippine National Police (PNP) ngunit hindi pinakamalaki sa kasaysayan.
Matatandaang, una nang inanunsiyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa 2 tonelada anila ang shabung nasabat sa Batangas bagaman hindi pa tapos ang imbentaryo dito.
Kalaunay bumaba ito ng 1.4 tonelada matapos ang 36 oras na palugit sa imbentaryo nito.
Ayon sa PNP, may nauna na silang rekord na 1.5 toneladang huli na shabu noon pang taong 2022.
