Connect with us

Batas na magbibigay ng COVID-19 benefits sa healthworkers, lusot na sa Senado

205, naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong linggo

National News

Batas na magbibigay ng COVID-19 benefits sa healthworkers, lusot na sa Senado

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate bill no. 2421 o ang panukalang magbibigay ng COVID-19 benefits sa lahat ng mga public at private healthworkers habang umiiral ang State of National Public Health Emergency.

Sa ilalim ng panukala, ang allowance na matatanggap ng healthworker ay nakadepende sa lebel ng exposure nito sa COVID-19 virus.

P9,000 ang matatanggap na allowance sa mga healthworker na may high-risk exposure sa COVID-19, P6,000 naman ang matatanggap sa mga expose sa medium risk at P3,000 naman sa mga may low risk exposure.

Nakalagay din sa panukala na may matatanggap na compensation benefit ang mga medical frontliner na tatamaan ng virus na nagkakahalaga ng P15,000 para sa mild o moderate cases, P100,000 para sa severe; at P1 million kapag mamatay ito mula sa virus.

Ang mga healthworkers na mahahawan ng sakit ay magkakaroon din ng full Philhealth coverage para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot.

More in National News

Latest News

To Top