Connect with us

Batas para sa airtime limits ng mga kandidato, nais amyendahan ng isang mambabatas

nais amyendahan

National News

Batas para sa airtime limits ng mga kandidato, nais amyendahan ng isang mambabatas

Nais amyendahan ni Senate Committee On Electoral Reforms Chair Senator Aquilino Koko Pimentel ang section 6 ng elections act na naglilimita ng advertisements ng mga electoral candidate at mga political parties.

Sa Senate bill no.1991, iminungkahi ng senador na hindi dapat lalampas sa  120 minutes ang maiipon na advertisement ng mga politiko sa telibisyon.

Hindi naman maaaring lumampas sa 180 minutes ang maiipon nitong advertisments sa radyo.

Hindi naman maaring lumampas sa 60 minutes ang maiipon na tv advertisments at 90 radio advertisments ang mga local elected officials and political parties.

Kapag nagkasama naman ang isa o dalawang kandidato sa isang advertisments ibabawas sa kanilang indibidwal airtime limits ang haba ng kanilang exposure or appearance.

Sa pamamagitan aniya nito naniniwala ang mambabatas na lahat ng mga kandidato na nagnanais na magkaroon ng tv or radio ads ay maaaccomodate ng lahat ng media networks.

Ulat ni: Margot Gonzales

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top