Connect with us

Batas para sa kapakanan ng food delivery riders, isunusulong sa Senado

Batas para sa kapakanan ng food delivery riders, isunusulong sa Senado

National News

Batas para sa kapakanan ng food delivery riders, isunusulong sa Senado

Naniniwala si Sen. Joel Villanueva na kailangang makapagpasa ng batas na magbibigay ng safeguards at proteksyon sa mga freelance worker tulad ng food delivery riders.

Panawagan ni Villanueva, chair ng Senate labor committee sa mga kapwa mambabatas, suportahan ang Freelance Workers Protection Act na inihain nito sa plenaryo noong Setyembre noong nakalipas na taon.

Sa kasalukuyan daw kasi ay hindi kinikilala ng Labor Code ang mga freelance workers at madalas na naloloko ang mga food riders, iba pa ang katakut-takot na insulto at pambabastos na tinatamo ng mga ito sa minutong aberya lang ng paghahatid ng mga pagkain.

Sa isang pahayag ni Villanueva,”Ito pong problema ng mga rider ng food delivery service apps ay isang patunay sa matinding pangangailangan natin para sa itaguyod ang Freelancers Protection bill. Abonado na po sila madalas, at minsan nabibiktima pa ng mga fake booking.Kailangan pong may malinaw na proteksyon ang ating mga freelance workers.”

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1810 o ang Freelance Workers Protection Act,inoobliga nito ang hiring party at ang freelance worker na magkaroon ng written contract o kahalintulad na dokumento, electronic file o printed copy, kung saan nakasaad ang kasunduan ng parehong partido sa mga nakalatag na terms and conditions, kasama ang malinaw na engagement at ang kabayaran para sa serbisyong ibinibigay ng freelance worker.

Itinataguyod rin ng panukala ang mga karapatan ng mga freelance worker, kabilang na rin ang karapatan nilang idulog ang mga hinaing sa tamang venue.

Kasama na rin sa panukalang batas ang pagsasagawa ng DOLE ng mga seminar tungkol sa legal recourse na available sa mga freelance workers sakaling may mga dispute or labor issues.

Samantala, nauna nang hinimok ni Sen. Risa Hontiveros ang DOLE na gumawa na ng komprehensibong guidelines ukol sa mga delivery riders, upang maproteksyunan ang kanilang karapatan at kapakanan bilang manggagawa.

Kaugnay nito, isinulong ng mambabatas ang resolusyon na nagtutulak sa Senado na magkaroon ng pagdinig para malaman ang tunay na kalagayan ng mga food delivery riders.

Kamakailan ay sinuspinde ng pamunuan ng food delivery app na Foodpanda ang hindi bababa sa 500 accredited riders nito sa Davao City matapos sumali sa isang unity ride para sa mga kasamahan nilang rider na nauna nang sinuspinde ng Foodpanda at inalisan ng access sa mobile app sa loob ng 10 taon.

Konektado diumano ang pangyayari sa reklamo ng mga rider ukol sa bagong fare adjustment ng Foodpanda, kung saan maaring bumaba sa P20 lang ang kita ng mga rider kada delivery ride.

More in National News

Latest News

To Top