Connect with us

Batas sa pagkakaroon ng regulasyon sa paggamit ng social media, kailangan ayon kay VP Robredo

National News

Batas sa pagkakaroon ng regulasyon sa paggamit ng social media, kailangan ayon kay VP Robredo

Umaasa si Vice President Leni Robredo na magkakaroon ng batas na mag-re-regulate sa paggamit ng social media at mapigilan ang pagkalat ng fake news online.

Sinabi ni Robredo na kailangang magpasa ang kongreso ng mga batas para ma-kontrol ang mga post sa social media networks.

Giit nito, maraming nabibiktima na hindi naman nararapat siraan kung maaaring mag-post ng kahit ano ang sinuman.

Aniya, nagiging marumi na ang eleksyon dahil sa social media tulad ng halalan noong 2016 kung saan ito ang naging avenue para sa pagpapakalat ng pekeng impormasyon laban sa mga kandidato.

Ayon sa bise presidente, maging ang kanyang mga anak ay naging biktima na ng mga pag-atake ng trolls at propagandists.

 

DZARNews

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top