Connect with us

Batayan ng pagiging “food poor”, ire-review ng NEDA at PSA

Batayan ng pagiging "food poor", ire-review ng NEDA at PSA

National News

Batayan ng pagiging “food poor”, ire-review ng NEDA at PSA

Isasailalim na ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa review ang mga batayan para sa poverty at food threshold.

Kasunod ito sa kanilang pag-amin na hindi talaga sapat ang P64 per day na meal budget para hindi maituring na “food poor” ang isang tao.

Maging ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay sinabing isasailalim rin nila sa review ang kanilang batayan para sa poverty at food threshold para sa susunod na taon.

Sa isang Senate hearing para sa 2025 national budget nang sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na nasa P9,581 ang monthly food threshold ng isang pamilya na binubuo ng limang myembro.

Katumbas nga ito ng P64 per day na meal budget bawat isang tao.

More in National News

Latest News

To Top