National News
Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ng mga kumpanya ng Langis
MAGANDANG balita sa ating mga motorista, nagpatupad na ang mga kumpanya ng langis ang baas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Simula kaninang alas-dose uno ng hatinggabi at alas-sais ngayong umaga, natapyasan ng piso at apatnapu’t limang sentimos ang kada litro ng gasolina, animnapung sentimos sa kada litro ng diesel at piso sa kada litro ng kerosene ng mga kumpanyang Shell, Caltex, PTT Philippine at Total.
Nasa pitumpung sentimos kada litro ng diesel at p1.45 sa gasolina ang bawas-presyo naman ng kumpanyang Unioil.
Ang kumpanyang Petro Gazz ay may bawas-presyo naman na piso at limampu’t limang sentimos sa kada litro ng gasolina at 50 sentimos sa kada litro ng Diesel
Una namang nagpatupad ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang kumpanyang Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines at Cleanfuel.
Ang naturang oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.